SOLA SCRIPTURA (Scripture Alone) The inerrant Scripture is the sole source of written divine revelation,which alone can bind the conscience. The Bible alone teaches all that is necessary for our salvation from sin and is the standard by which all Christian behavior must be measured. We deny that any creed, council or individual may bind a Christian's conscience, that the Holy Spirit speaks independently of or contrary to what is set forth in the Bible, or that personal spiritual experience can ever be a vehicle of revelation. SOLA GRATIA (Grace Alone) In salvation we are rescued from God's wrath by His grace alone. It is the supernatural work of the Holy Spirit that brings us to Christ by releasing us from our bondage to sin and raising us from spiritual death to spiritual life. We deny that salvation is in any sense a human work. Human methods, techniques or strategies by themselves cannot accomplish this transformation. Faith is not produced by our unregenerated human nature. SOLA FIDE (Faith Alone) Justification is by grace alone through faith alone because of Christ alone. In justification Christ's righteousness is imputed to us as the only possible satisfaction of God's perfect justice. We deny that justification rests on any merit to be found in us, or upon the grounds of an infusion of Christ's righteousness in us, or that an institution claiming to be a church that denies or condemns sola fide can be recognized as a legitimate church. SOLUS CHRISTUS (Christ Alone) Salvation is accomplished by the mediatorial work of the historical Christ alone. His sinless life and substitutionary atonement alone are sufficient for our justification and reconciliation to the Father. We deny that the gospel is preached if Christ's substitutionary work is not declared and faith in Christ and his work is not solicited. SOLI DEO GLORIA (Glory Of God Alone) Salvation is of God and has been accomplished by God, it is for God's glory and that we must glorify Him always. We must live our entire lives before the face of God, under the authority of God and for his glory alone. We deny that we can properly glorify God if our worship is confused with entertainment, if we neglect either Law or Gospel in our preaching, or if self-improvement, self-esteem or self-fulfillment are allowed to become alternatives to the gospel. ITO ANG AMING PANININDIGAN (Here We Stand) Sa pamamagitan ng Banal Mong Salita…. Tanging sa Kasulatan lamang, turuan mo kami na ang kaligtasan ay sa Biyaya lamang, sa Pananampalataya lamang, tanging kay Cristo lamang, sa kaluwalhatian ng Dios lamang. SOLA SCRIPTURA (Tanging Kasulatan Lamang) Ang walang kamaliang Kasulatan ay ang tanging pinagmumulan ng nasusulat na banal na kapahayagan, na siyang tanging makagagapos ng konsiyensya. Ang Biblia lamang ang nagtuturo ng lahat na kinakailangan para sa ating kaligtasan mula sa kasalanan at ang pamantayan ng sukatan ng pag-uugali ng lahat ng kristiano. Aming itinatanggi na anumang paniniwala, kapulungan o indibiduwal ay maaaring makagapos sa konsiyensya ng kristiano, na ang Espiritu Santo lamang ang maaaring mangusap ng ukol o kaya’y salungat sa itinakda ng Biblia, o ang personal na karanasang espirituwal ay maaring maging daan para sa isang kapahayagan. SOLA GRATIA (Biyaya Lamang) Sa kaligtasan, tayo ay nasagip mula sa galit ng Dios sa pamamagitan lamang ng Kanyang biyaya. Ito ay ang di pangkaraniwang gawa ng Espiritu Santo na nagdadala sa atin kay Cristo sa pamamagitan ng pagpapalaya sa atin mula sa pagkagapos sa kasalanan at pagbuhay sa atin mula sa kamatayang espirituwal tungo sa espirituwal na buhay. Aming itinatanggi na ang kaligtasan sa anumang paraan ay gawa ng tao. Ang mga makataong pamamaraan o sistema lamang ay hindi maisasakatuparan ang ganitong pagbabago. Ang pananampalataya ay hindi bunga ng patay pa nating likas na pagkatao. SOLA FIDE (Pananampalataya Lamang) Ang pagpapawalang-wala ay sa biyaya lamang sa pamamagitan ng pananampalataya lamang ng dahil kay Cristo lamang. Sa pagpapawalang-sala, ang katuwiran ni Cristo ay inilagay o ikinabit sa atin bilang tanging kasiyahan ng ganap na katarungan ng Dios. Aming itinatanggi na ang pagpapawalang-sala ay batay sa ating kagalingan o kahusayan o sa pagkakakintal ng katuwiran ni Cristo sa atin, na ang isang samahan na nagsasabing isang iglesia ngunit itinatanggi o tinututulan ang sola fide o pananampalataya lamang, ay maaaring kilalanin bilang tunay na iglesia. SOLUS CHRISTUS (Kay Cristo Lamang) Ang kaligtasan ay makakamit sa pamamagitan ng gampanin ni Cristo bilang Tagapamagitan ayon sa kasulatan. Ang walang-sala Niyang pamumuhay at ang kamatayan Niyang nagtakip sa mga kasalanan ng mga hinirang lamang ay sapat sa pagpapawalang-sala at pakikipag-kaisa ng mga pinili sa Dios Ama. Aming itinatanggi na ang ebanghelyo ay tunay ngang naipangaral kung ang gampanin ni Cristo naman bilang Kahalili at Tagapagpalubag-loob sa galit ng Dios ay hindi ipinahahayag at ang pananampalataya kay Cristo at sa Kanyang ginawa ay hindi hiningi. SOLI DEO GLORIA (Kaluwalhatian ng Dios Lamang) Ang kaligtasan ay sa Dios at natapos na ng Dios, ito ay para sa Kanyang kaluwalhatian at dapat natin Siyang laging luwalhatiin. Ang ating buong buhay ay dapat nating isapamuhay sa harapan ng Dios, sa ilalim ng Kanyang pamamahala at kaluwalhatian lamang. Aming itinatanggi na maluluwalhati natin ng tama ang Dios kung ang ating pagsamba ay mapagkamalian nating pang-aaliw, kung ating balewalain ang mga Utos at Ebanghelyo sa ating pangangaral, o kung hinahayaan natin ang pagpapaunlad sa sarili, pagpapahalaga sa sarili, o ang pansariling kasiyahan ay gawing pamalit sa ebanghelyo ng Dios.
![]() Amazing Grace: The History and Theology of CalvinismThe Reformed History
| ||||||||||||||||||||||||||||||


